Graduating student, timbog sa pagbebenta ng marijuana sa Laoag …

Arestado si Jose Castro sa umano’y pagbebenta ng marijuana sa Laoag City. Courtesy of Laoag City Police

LAOAG CITY — Arestado ang isang graduating college student sa isang buy-bust operation sa Barangay 13 sa lungsod na ito Martes ng gabi.

Nahuli si Jose Castro, 21, residente ng Barangay Madamba sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte, matapos itong mahuling nagbebenta umano ng dried marijuana leaves na nakabalot sa papel na may halagang P500 sa isang police asset.

Maliban sa ibinenta nito, nakuha pa sa kanya ang dalawang paper wrappers na may lamang dried marijuana leaves, P500 na buy-bust money, at isang improvised glass tube tooter na may lamang sunog na marijuana.

“Kahapon mayroon tayong ikinasang buy-bust patungkol dito sa isang, well, later on na naming nakilala na isa pala siyang estudyante and as a matter of fact ga-graduate na siya after the Holy Week,” sabi ni PNP Laoag City Chief Superintendent Edwin Balles.

Naniniwala rin si Balles na karamihan sa mga parokyano ni Castro ay mga kapwa niyang estudyante.

Itinanggi naman ni Castro ang mga paratang sa kanya na siya ay nagbebenta at gumagamit ng marijuana.

Inaasahang magtatapos si Castro sa kursong Information Technology mula sa isang kolehiyo sa Laoag City ngayong Abril.

Haharap si Castro sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Castro.

Read More: 
Laoag City  
war on drugs  
buy bust  
marijuana  
  

All copyrights for this article are reserved to Pot Internet Search

Comments are closed.